Wednesday, January 24, 2007
Monday, January 8, 2007
Reaksyon naming kabataan......
Hindi naman lingid sa atin na halos lahat o karamihan sa mga mamamayang pilipino ay nalululong na sa masasamang bisyo o mga pangkaraniwang gawain na masyado na tayong nagiging adik sa mga bagay na ito. Hindi rin natin maitatanggi na kahit kaming mga kabataan na ayon kay Gat Jose Rizal ay siyang pagasa "daw" ng bayan ay nalululong na din sa mga bisyong ito.
Lubhang nakakalungkot kung ating iisipin na kung bakit kaya pilit na dumadami ang bilang ng mga taong nalululong sa mga bisyong ito sapagkat kahit saang anggulo naman natin tingnan walang kagandahang maidudulot sa atin, sa halip, nakakasama pa ito sa ating kalusugan, kapaligiran at sa buong sistema ng ating buhay.
Ang pag-gamit ng droga, maaaring magkaroon ng depekto ang isipan at takbo ng pagiisip ng taong gumagamit nito. Ang alak at sigarilyo naman, lubhang naaapektuhan ang kalusugan ng taong nalulong sa bisyong ito, nasisira nito ang importanteng "organs" ng ating katawan tulad na lamang na baga, puso, at maaari ding masira ang ibang parte ng ating utak at ang pagsusugal naman, hindi man ito marahil umiipekto sa ating kalusugan o pagiisip ay mas matindi naman ang epekto nito sa relasyon natin sa ating pamilya, dahil pag naadik ka sa sugal, kakaunti na lang ang maitutuon mong oras sa iyong pamilya, hindi mo sila mabibigyan ng sapat na atensyong kailangan nila, sa ganitong sitwasyon magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga miyembro ng pamilya na maaaring humantong sa matinding hidwaan.
Dahil sa pagkalulong sa mga bisyong ito, nauudyokan ang isang tao na gumawa ng masamang mga bagay tulad ng krimen... pagnanakaw, pagpatay at iba pang masasamang gawain para lang matustusan ang kanilang mga bisyo.
Ang mga taong ay nahuhumaling sa bisyo dahil gusto nilang takasan at kalimutan ang kanilang mga problemang hinaharap. Dahil din sa sobrang katamaran ng mga pilipinong pabanjing banjing lang at mga walang magawa sa buhay kaya wala ng alam gawin kundi lumaklak ng alak at magpakaadik sa droga.
Ang ating gobyerno ay gumagawa na ng mga hakbang upang hindi na lumala pa ang sitwasyon tungkol sa droga, hinuhuli nila ang mga gumagawa at nageexport ng droga sa ating bansa at pinapatawan ng mabigat na parusa at ang mga nahuhuling gumagamit ng droga ay hinuhuli at pinapatawan din ng parusang nararapat lamang sa kanila. Hindi pa rin sapat ang ginagawa ng gobyerno para sa problema ng bansa ukol sa pinagbabawal na gamot.
Ang mga nalulong na sa droga ay kailangang idala sa mga rehabilitation centers upang sila ay magamot ngunit nangangailangan ito ng mahabang proseso...
Lubhang kay sakit isipin ng mga bagay na ito. na kung tutuusin ay hindi naman mahirap umiwas at pigilan ang mga bisyong ito. Hindi rin naman ganon kahirap magbagong buhay kung atin lamang gugustuhin. Kaya sana sa pagtakbo ng oras at paglipas ng mga araw, hindi na sana lalong dumami ang bilang ng mga taong nalululong sa mga bisyong ito. Huwag na nating bigyan ng atensyon ang mga ito, sa halip bigyan natin ng pansin ang mga taong nakapaligid sa atin, ang ating mga pamilya, pag-aaral o trabaho at higit sa lahat ang Mahal na Panginoong Jesus.

Saturday, January 6, 2007
http://www.youtube.com/watch?v=xmTYQZEG0Lg
Panoorin kung paano nasira ang buhay ng mga kabataang ito at kung paano din nila nakontrol ang kanilang mga bisyo at naipasok nila ang Diyos sa kanilang mga buhay...
Dito din mapapatunayan na totoo ang kasabihang "Nasa huli ang pagsisisi."

Friday, January 5, 2007
"Masamang epekto ng BISYO!"
- 1. Ang bisyo ay nakakasira ng pag-aaral, sapagkat napupunta ang kanyang atensyon at interest sa kanyang bisyo.
2. May mga Bisyo na nakakasama sa kalusugan, tulad ng alak, sigarilyo, at pag gamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
3. Pag ang isang taong ay nalulong sa bisyo, sinasayang niya ang kanyang panahon at pera, sa halip na gumawa ng makabuluhang bagay.
4. Ang isang taong nalulong na sa masamang bisyo ay nagiging isang masamang impluwensya sa kanyang kapaligiran.
5. Sinisira ng Bisyo ang kaisipan ng isang tao. nagiging negatibo ang kanyang mental na aspeto at mga kilos dahil dito nakakagawa siya ng masasamang bagay na maaaring maging krimen.
Tula: SABOG!!
S a isang simpleng sulyap nagsimula
ng bigla kong maramdamang sa sarili'y nawawala
kulay mong walang kaparis ang puti
ngayo'y nasadlak sa dumi at putik
A no nga bang meron ka't tila nabaliw ako
adik na nga bang maituturing itong damdamin ko
handa kong ibigay lahat para lang sa'yo
makuha lang ang kaligayahang inaasam ko
B uhay ko'y kay saya pag ika'y nadarama
dulot mo'y walang humpay na ligaya
subalit ngayon sa katotohana'y mulat na
magsisi man wala na ring magagawa pa
O h puso kong dati'y puno ng sigla
ngayo'y ano pa't malala na
pangarap ko'y unti-unting naglaho
buhay kong ka'y rangya biglang gumuho
G aano ka man kasarap lasapin
pilit mang ika'y tiisin
hayok sa pakiramdam na kahit isipin
sabog na nga ba akong maituturing.........
edrose cabrera

Thursday, January 4, 2007
"BISYO", saan nga ba nagmula?
Saan nga ba ito nagmula? Kung uugatin natin, i'toy dahil saimpluwensya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa, tulad na lamang ng mga kastila,dahil sa apat na daang taong pananakop ng mga kastila, naging bahagi na ng ating kultura ang mga kaugalian at gawain nila...
Kabilang na dito ang mga bisyo gaya ng sabong, baraha, kara krus (cara y cruz), at iba pa. Ang mga bisyong ito ay patuloy pa rin nating ginagawa at nakatatak pa din ito sa ating kultura hanggang sa panahong ito.
Isa sa mga karaniwang bisyo ng mga pilipinong kalalakihan ay ang Sabong. I'toy ang pag lalaban ng dalawang (2) manok panabong, nilalagyan ito ng maliit na patalim na tinatawag na "tari" ito ang magsisilbing panlaban ng manok hanggang sa matalo nito ang kalabang manok. Ang Sabong ay nagiging sugal dahil sa may nakatayang pera, maski mga kagamitan sa bahay o ari-arian ay itinataya para lang sa sabong, samantalang ang paglalaro ng baraha ay isa din sa mga pangkaraniwang bisyo ng mga matatanda at pati na din ng mga bata. Ang "Tong-its" ay ang kadalasang nilalaro sa baraha, tulad ng sabong may nakataya ding pera o bagay na may halaga para makapaglaro ng baraha. Ang Kara Krus (cara y cruz), ay kadalasang nilalaro ng mga bata, tambay sa kanto o ng mga jeepney at tricycle driver. Ginagamitan lamang ito ng Barya, tulad ng sabong at baraha, may nakapusta ding pera dito.
Sa panahon ngayon, mas madami pang bisyo ang nauuso sa halos lahat ng edad. nariyan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, ganun din ang ipinagbabawal na gamot gaya ng marijuana, drugs, ecstacy, rugby at marami pang iba. Pati na rin ang pagkahilig ng mga tao sa pagkain, gimik, texting ay matatawag ding bisyo.

Subscribe to:
Posts (Atom)