Saan nga ba ito nagmula? Kung uugatin natin, i'toy dahil saimpluwensya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa, tulad na lamang ng mga kastila,dahil sa apat na daang taong pananakop ng mga kastila, naging bahagi na ng ating kultura ang mga kaugalian at gawain nila...
Kabilang na dito ang mga bisyo gaya ng sabong, baraha, kara krus (cara y cruz), at iba pa. Ang mga bisyong ito ay patuloy pa rin nating ginagawa at nakatatak pa din ito sa ating kultura hanggang sa panahong ito.
Isa sa mga karaniwang bisyo ng mga pilipinong kalalakihan ay ang Sabong. I'toy ang pag lalaban ng dalawang (2) manok panabong, nilalagyan ito ng maliit na patalim na tinatawag na "tari" ito ang magsisilbing panlaban ng manok hanggang sa matalo nito ang kalabang manok. Ang Sabong ay nagiging sugal dahil sa may nakatayang pera, maski mga kagamitan sa bahay o ari-arian ay itinataya para lang sa sabong, samantalang ang paglalaro ng baraha ay isa din sa mga pangkaraniwang bisyo ng mga matatanda at pati na din ng mga bata. Ang "Tong-its" ay ang kadalasang nilalaro sa baraha, tulad ng sabong may nakataya ding pera o bagay na may halaga para makapaglaro ng baraha. Ang Kara Krus (cara y cruz), ay kadalasang nilalaro ng mga bata, tambay sa kanto o ng mga jeepney at tricycle driver. Ginagamitan lamang ito ng Barya, tulad ng sabong at baraha, may nakapusta ding pera dito.
Sa panahon ngayon, mas madami pang bisyo ang nauuso sa halos lahat ng edad. nariyan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, ganun din ang ipinagbabawal na gamot gaya ng marijuana, drugs, ecstacy, rugby at marami pang iba. Pati na rin ang pagkahilig ng mga tao sa pagkain, gimik, texting ay matatawag ding bisyo.

No comments:
Post a Comment